MASAYA PERO SAYANG

Image

Last day namin kahapon sa soc. at yun din ung last day namin sa mga classmates naming educ. 🙂 ang mga kakaklase naming matatalino 🙂

alam niyo ba ung epic na klase? ung akala mo boring ung subject, ung akala mo aantukin ka lang tuwing papasok ka sa subject na yun? haha yan kasi ung first impression ko nung nalaman ko na magiging classmates namin ung mga educ, 🙂 kasi akala ko tahimik ung mga educ, akala ko puro aral sila, akala ko hindi sila masayang kasama, in short ang pagkakaakala ko BORING SILA. Pero isang malaking kalokohan ung iniisip ko, hehe hindi naman pala sila boring eh, masaya nga sila ee, nakikisakay sila sa trip namen, lalo na sa TRIP KO, 🙂 at ang masaya nito HINDI SILA PIKON.  

Ganito kasi yan, 1st day namin sa socsci, pag pasok namen sa rum, tinginan ung mga educ , tpos parang nagkakailangan pa. 🙂 kami namang mga IT kami kami lang rin ung mag uusap sa klase, tapos nagpa-recite si sir one by one.. eh di ko mapigilan ung kulit ko.. nabibingi ako sa katahimikan e.. ayun, binabara ko ung mga nagrerecite tapos naki sali na rin si cheng(Francis James) sa trip ko, di ko alam kung naaasar na ba sila samen o hindi eh laht ba naman ng tumayo may mag ko-comment ako ee. 🙂 

Di ko alam kung kelan kami binigyan ng 1st activity ni sir basta groupings yun, ang akala namin magkakasama kaming mga IT sa group, eh loko si sir pinag bilang kami 1 to 5 ayun hiwahiwalay kami tapos mga educ ung naging kagrupo ko, pero ganun pa rin, di talaga ko marunong tumahimik ee.. laht ng members sa grupo namin kinausap ko, kagrupo ko pala ung isang IT(si mara), nung presentation na.. tawa sila ng tawa, ang lakas kasi ng trip ee.. hindi naman comedy ung theme ng play, “Family planning” nga ung theme nun eh. ewan ko ba nagtatawanan sila haha.. eh kasi ako ung gumanap na tatay pero ung ginawa ko nag paka nanay ako. haha 

masaya naman talga silang kasama ee.. kaso pag dating ng exam, minsan boses ko nalng ung naririnig ko tska ung boses ni cheng, tahimik kasi sila, nakatutok talaga sa exam e.  ang tatalino kaya nila, mga educ ee..  May mga pagkakataon nga na habang naglelecture si sir, tawa kami ng tawa ni cheng sa likod tapos nade-destruct na ata ung mga educ sa harap namin hehe maingay ee..  lalo na ung “baka tamaan ka ng electric fan” tska ung “bahala na si batman” sakit ng tiyan namen kakatawa ee.. tumitingin na sila samin kaso di ko mapigil ung tawa ko. haha.  

Pero ung last day talga ung pinaka masaya sa laht, di ata ung last day, sabihin na ntin na simula nung binigyan kami ng pangalawang Ptask dun nagsimula ung pinakamasayang araw sa subject na un, syempre bagong kagrupo at maraming dapat gawin para magawa ung Ptask tapos laht ng kagrupo may mga idea lalo na ung leader namin ang taba ng utak ee, eto ung nakakatuwa sa mga educ masyadong seryoso pagdating ng Ptask eh kami chill lang. haha 

Habang nagsshooting kami para sa Ptask, walang dull moments ee, laging nagpapatawa ung gumanap na host namin (si jojo) mas marami nga ung tawa kesa sa seryoso ee.. haha, tapos simpleng trash talk sila sa sulat ko, dalawa kasi kami ng leader ko nagsulat sa script namen ee, pag ung sinulat ko na ung binabasa, tinatanong pa ko kung ano ung nakasulat, MAHIRAP BANG MABASA UNG SULAT KO? haha well di ko na itatanggi, masakit sa mata ung sulat ko ee.. hieroglyphics nga daw ee.. haha  memorable ung “oppa T-rex style” ni jojo imba ee hindi talaga kami nawalan ng tawa.. 

Di ko talga makakalimutan tong subject na to, dahil dito nagkaron ako ng secretary for one day haha.. siya ung taga sulat ko sa index card ko e, tapos dahil din dito sa subject na toh, naranasan ko ulit ung walang tulugan, lagpas 24hrs akong gising ee, kala ko di ko na nararansan un pero ayun naulit ee.. hehe ako kasi ng natoka sa pag eedit ng video namin, kaya 4hrs akong late sa subject namen kahapon,  hehe pag dating ko pa don, break time na.. 1pm ung resume ng klase, umalis ung mga classmates kong IT para maglunch pero ako hindi na ko umalis kc kumain na ko bago umalis sa bahay, tinanong ko kung ano ung ginawa nila nung umaga, nagdrawing daw sila para sa C.C namin, buti nalang mababait ung mga educ, hindi ko na kelangang magdrawing kasi may drawing na available, hehe ayun ung ginamit ko, nilagyan ko ng pangalan at pinasa 🙂 swerte diba. Tska dahil  antok na antok talaga ako kaya natulog nalang ako,nakatulog naman ako pero saglit lang kasi iba ung trip ng educ ee.. sinara ung pinto sabay patugtog ng malakas, sino ba namang makakatulog dun? haha kaya di na ko natulog, naki pag kwentuhan nalang ako sa leader namen 🙂 

pagbalik ni sir sa klase, kala ko hindi na papasok ung mga classmates kong IT, un pala nalate lang sila, 30mins late. hehe tapos pinanood na nmin ung video na ginawa namin luckly 18 over 20 ung samin hehe kala ko talaga mababa points nun ee, buti nalang hindi :)), tapos break time at sabi ni sir magpa-finals kami pagtapos ng break, edi dapat mag review diba? ang nangyare ehhhh… nagkaayaan kaming mga IT na kumain ng pizza, sabi pa ni mami cons ang huling lumabas ng room 100 ang ambag, hinarangan niya kami nila cheng at jayson tpos ung mga girls nasa labas na, dhil sa kakapigil niya, napaupo siya, at siya ang huling lumabas.. tumatawa ung mga educ samin, hehe.. ayun na nga, pagbalik namin sa room nag exam na kami. tapos tahimik ulit ung room namin kasi final exam na. Ng matapos na ung mga educ sa exam, di ko inaakala na magbababye sila samin, 🙂 ang saya ee.. nagthank you sila samin.

tska ko lang naisip na baka di na pala maulit yun, kasi baka hindi na namin sila maging classmate.. nakakalungkot lang kasi kung kelan masaya kana sa klase tska naman mawawala, pero sana maulit ulit un, masaya silang kasama ee.. 

marunong silang makisama, kahit nag gugulo naming mga IT(lalo na ko) hehe nakiki-ride lang sila, may mga kabiruan n nga ako sa kanila ee. lalo na ung leader namen, siya ung pinaka close ko sa klase, kahit ko siya masyadong kakulitan masaya pa rin, wagas nga mambara un ee.. pero ok lang kasi barahan talaga kami eh. 

Sayang talaga, sana maulit uli ung ganung pagkakataon na maging classmates ulit namin ung mga educ, masaya talga silang kasama, mga kalog din sila kaso mas high level na kalog kami.. hehe 

SALAMAT SA MASAYANG SUMMER CLASS MGA EDUC!! LALO NA KAY CHARLENE(ung leader namen) haha 

may huling bonding pa pla kami, nung pauwi na, pumunta kami ng starmall nandun din ung ibang educ tpos nung palabas na ng starmall, hinahatak namin si mamoy(lj) tapos gumaya ung mga educ nagkarerahan pa kami hehe ibang trip ee. tapos  umuwi kaming kasabay sila, 

pagod, puyat, gutom pero masaya! haha imba sa bonding with educs ee. 

sayang lang talaga kasi last day na yun.. sayang talaga.. oh well salamat sa kanila naging masaya ung summer class namin.. Memorable tong klase na to! grabeng saya talaga! 

yan lang po.. 🙂 gusto ko lang ishare ung masayang summer class with educ students and sana maulit yun!

 Imagesalamat sa pagbabasa! balik kayo ah..

Leave a comment