OLD school games

Siguro nagtataka kayo sa title ng blog ko noh? hehe bakit ko nga ba sinabing “Old school”?  Simple lang, para ipaalala sa ating lahat, lalo na sa mga magulang at kabataan ng henerasyon na ito ang mga larong pinoy na onti-onti ng nabubura sa ating bansa.

Alam niyo ba tong mga larong ito? 
-tumbang preso
-Patintero
-luksong baka at luksong tinik
-chato
-Agawan Base
-mataya taya
-ubusan lahi

Alam niyo pa ba yan? eh sa mga kabataan? Alam niyo ba kung pano laruin yan? Marahil karamihan sa mga kabataang makakabasa nitong blog ko ay walang ideya sa iba sa mga larong ito, kasi ang kadalasan alam na lamang nila ay ang mga larong makikita sa computer o mga larong may kinalaman sa computer, halimbawa: DOTA, patok na patok yan sa mga kabataan, at iba pang laro na makikita sa mga social networking sites. 

Kailan ka ba huling pinagpawisan sa paglalaro? baka kaka-computer mo hindi ka na pinagpapawisan, galaw galaw din pag may time 🙂 masama sa katawan naten ang hindi makapag exert ng pawis, hindi natin nalalabas yung mga waste products ng katawan naten, at maaring masira at magdulot ito ng sakit sa atin.  Ilang oras kang nakaupo sa computer? bakit hindi niyo i-try maglaro ng mga outdoor games? Nag-enjoy kana nakapag-exercise ka pa. 

Nalaro mo na ba yung chato? 

Image

 Marami sa atin ang hindi nakakaalam ng larong ito, hindi na ko magtataka, kasi hindi naman ito common sa ating mga kabataan, masaya ang larong ito, at talagang nakaka-enjoy, simple lang laruin ang laro na ito, dalawang piraso lamang ng kahoy ang kailangan para sa laro na ito, isang mahaba at isang maikli. 

Para mas natutunan niyo ang larong ito bumisita sa site na ito, NOTE: nakita ko lang po sa internet ang site na to hehe :):
http://philippinegames.blogspot.com/2008/02/syatong-siatong-siyatong-or-shatong-in.html

Isa lang yan sa mga laro na malapit ng makalimutan ng mga kabataan, napakarami pang larong pinoy ang masayang laruin at malapit na nating nakalimutan at tuluyan ng maging bahahi na lang ng ating kasysayan.  Kaya sana sa mga magulang, hinihinkayat ko kayong turuan ang inyong mga anak ng paglalaro sa paraang hindi nila kailangan tumambay ng mahabang oras sa harap ng computer. Maraming paraan para maglaro at matuto ng sabay ng hindi nalalagay sa alanganin ang ating kalusugan.  

Live Happy and Live Healthy! 
Salamat sa pagbabasa. 🙂
ENJOY!

Leave a comment